‘Tapos na po ang halalan at panahon na para magkaisa,’ urges Bong Go
Senator Christopher “Bong” Go reiterated his appeal to the next leaders of the country to continue the good programs and policies initiated by the Duterte Administration to provide a more comfortable life for all Filipinos especially towards pandemic recovery.
The senator extended his warm congratulations to President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. and Vice President-elect Sara “Inday” Duterte for their victory in the recent elections.
Go expressed hope that the newly proclaimed leaders will be able to effectively fulfill their duties to the nation. He then renewed his call for them to pursue further the programs and reforms that President Duterte started which benefitted Filipinos in need.
“Umaasa ako na gagampanan ng bagong Pangulo at Pangalawang Pangulo ang tungkuling ipinagkatiwala sa kanila ng ating mga kababayan—lalung-lalo na ang pagtulong sa mga mahihirap at higit na nangangailangang mga Pilipino,” expressed Go.
“Isa lang po ang aking pakiusap at paalala: tulad ng laging bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte, unahin dapat ang kapakanan ng ating mga kababayan. Walang dapat mapabayaan at lahat dapat ay makatikim ng ginhawa na dulot ng maayos na serbisyo mula sa ating gobyerno,” he reminded.
The senator likewise stressed that the next administration must focus on the government’s pandemic efforts and ensure that no Filipino is left behind on the path towards recovery.
“Isa sa dapat pakatutukan ng bagong administrasyon ay ang pagtugon sa COVID-19 pandemic, at matulungan ang ating mga kababayan na makaahon sa hirap na idinulot nito sa kanilang buhay. Napakaimportante po na maka-recover agad tayo at makalikha ng mga trabaho at walang magugutom na Pilipino,” he remarked.
Go then called for unity among Filipinos as the country is poised to start a new page in its history.
“Tapos na po ang halalan at panahon na para magkaisa at magpokus sa trabaho para sa ikabubuti ng bawat Pilipino. Magsisimula na tayo ng bagong kabanata ng buhay bilang isang sambayanan sa ilalim ng bagong administrasyon,” underscored Go.
“Nagpalit man ang ating liderato sa gobyerno, patuloy pa rin ang ating pagseserbisyo tungo sa ating iisang hangarin na mas ligtas at komportableng buhay para sa bawat Pilipino,” he reassured.
Furthermore, Senator Go vowed that he will continue to work closely with the next administration to promote the welfare of Filipinos.
He then reassured that the Duterte Administration has started the transition process following the issuance of Administrative Order No. 47 that mandates the creation of President Duterte’s transition team.
“Matatalino, mahuhusay at alam ng dalawang bagong pinakamataas na opisyal ng ating bansa ang kanilang tungkulin. Nasa likod rin nila ang milyun-milyong mga Pilipino na nanindigan na maipaglaban ang kanilang boto noong nakaraang halalan. Kapag malakas ang suporta ng taumbayan, inaasahang maipatutupad ang kanilang mga programa na maghahatid sa ating bansa at mga mamamayan sa kaunlaran,” Go stressed.
“Ako bilang senador ay patuloy na susuporta sa mga magiging programa ng bagong administrasyon lalo na ang makapagbibigay ng tulong sa mahihirap at mag-aalaga sa kapakanan ng ordinaryong mga mamamayan,” he continued.
Meanwhile, Go shared that President Duterte is already packing up his personal belongings from the Malacañang Palace and is preparing for his return to Davao City, saying, “Tungkol naman sa ating mahal na Pangulong Duterte, nagsisimula na siyang magligpit ng mga gamit pauwi sa kanilang tahanan sa Davao City. Doon siya mananatili sa kanyang retirement bilang private citizen kapiling ang kanyang pamilya.”
“Nakakalungkot man na patapos na ang kanyang termino dahil alam kong marami pa siyang gustong gawin para sa bayan, masaya na rin po ako dahil makakapahinga na rin siya na panatag ang loob na ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya upang magampanan ang kanyang tungkulin bilang ama ng bansa,” he continued.
As for the senator, he reaffirmed his commitment to serving the Filipinos, uplifting the lives of those in need, and boosting the country’s development.
“Nakakawala ng pagod kapag nakakatulong sa kapwa. Mas sumisigla ako kapag nakikita ko sa mga mata ng ating mga kababayan ang panibagong pag-usbong ng pag-asa. Ito ang dahilan kung bakit patuloy akong naninindigan na gampanan ang aking tungkulin bilang lingkod bayan,” Go shared.
“Sa aking mga kababayan, kahit saang sulok man ng bansa, handa po akong tumulong sa abot ng aking makakaya upang pakinggan ang inyong mga hinaing, masolusyunan ang inyong mga problema, at mag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati,” he reassured.
“Wala na po akong hihingin pa sa Diyos dahil nabigyan na ako ng pagkakataon na magserbisyo sa inyo. Ang tanging dalangin ko na lang ay sana ay makabangon tayong muli sa mga krisis na ating hinaharap bilang isang nagkakaisa at mas matatag na bansa!”