Bong Go reminds Filipinos: protect sanctity of your ballots

554
0
Share:

Senator Christopher “Bong” Go appealed to the millions of Filipinos who will vote in the upcoming national and local elections to protect the sanctity of the ballot by taking a firm stand and make a conscience vote against unscrupulous candidates who coerce voters or try to buy their votes.

“Huwag kayong magpapasindak! Huwag kayong magpapadala sa mga pananakot at panunuhol para lang iboto ang mga lider na hindi naman ninyo gusto at hindi kumakatawan sa interes ng higit na nakararami. Patuloy tayong maging mapagmatyag sa mga susunod na linggo at hanggang sa mismong araw ng halalan,” Go urged.

“Tandaan po natin na ang ating boto ay sagrado, at sariling desisyon natin kung sino ang gusto nating iboto na sa palagay natin ay karapat-dapat sa posisyong kanilang tinatakbuhan,” he stressed.

The senator echoed President Rodrigo Duterte’s call for orderly, fair and credible elections to ensure that the results of the polls are truly reflective of the Filipino people’s will. The President earlier vowed not to let terrorism and other illegal activities to disrupt the May 9 elections.

“Katulad ni Pangulong Duterte, ito rin po ang aking pananaw at panawagan sa lahat. Dapat maging patas at tahimik ang halalan upang matiyak na ang magiging resulta ng eleksyon ay tunay na kumakatawan sa kagustuhan ng sambayanang Pilipino,” said Go.

“Bilang inyong senador, may sinumpaan akong tungkulin na dapat laging manaig ang layunin ng ating mga batas. Kaya kaisa ako ng Pangulo sa pagtiyak na maayos ang pagdaraos ng halalan. Hindi dapat magkaroon ng mga pananakot at karahasan. Ang isang tapat at malinis na halalan na ginanap nang ligtas at may kalayaan ay resulta ng tunay na demokrasya na sumasalamin sa damdamin ng sambayanan,” he added.

Meanwhile, the senator reassured that even as the elections draw near, helping struggling Filipinos across the country remains his priority as a public servant.

“Habang nakasubaybay tayo sa mga kaganapan sa darating na eleksyon, hindi natin pinababayaan ang ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. Hanggang ngayon ay ramdam pa nila ang epekto ng pandemya at iba pang krisis, kaya kahit anuman ang mangyari sa mundo ng pulitika, prayoridad ko pa rin ang patuloy na serbisyo sa mga kapwa ko Pilipino,” the senator remarked.

Go and his team have been consistently delivering aid to vulnerable communities in Luzon, Visayas and Mindanao. On April 25, Go even personally visited the Island Garden City of Samal, Davao del Norte to lead the distribution of assistance to thousands of residents, composed of fisherfolk, senior citizens, drivers and indigents in the city.

“Patuloy ninyong mararamdaman ang aking serbisyo hangga’t may mga Pilipinong dapat tulungan, lalo na ang mga higit na nangangailangan. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya at pupuntahan ko kayo kahit saang sulok ng bansa basta kaya ng aking oras at katawan upang pakinggan ang inyong hinaing, magbigay ng solusyon sa araw-araw ninyong suliranin at mag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati,” Go vowed.

“At muli, ipinaaalala ko sa inyo na lagi nating isapuso at isaisip na ang ating boto ay sagrado. Naniniwala ako na kung tayo ay magkakaisa at magbabayanihan, mas mapapangalagaan natin ang integridad ng darating na halalan. Ang balota ang siyang magiging instrumento sa ating pagsulong at pag-unlad bilang isang bansa, at uukit ng mas magandang bukas para sa lahat ng Pilipino lalo na sa kinabukasan ng ating mga anak!” he ended.

Share:

Leave a reply